6Kaya umuwi siya sa Jezreel upang magpagaling ng sugat na tinamo niya sa Rama dahil sa pakikipaglaban kay Haring Hazael Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel. Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel.
7Ang pagdalaw ni Ahazias kay Joram ay ginamit ng Diyos upang lipulin si Ahazias. Nang naroon si Ahazias, tinulungan niya si Joram upang makipaglaban kay Jehu na anak ni Nimsi. Si Jehu ang pinili ng Panginoon upang lipulin ang sambahayan ni Ahab.
8Habang nililipol ni Jehu ang sambahayan ni Ahab, nakita niya ang mga opisyal ng Juda at ang mga anak ng mga kamag-anak ni Ahazias na sumáma kay Ahazias. At pinagpapatay niya sila.
9Pagkatapos, hinanap ng mga tauhan ni Jehu si Ahazias, at nakita nila ito na nagtatago sa lungsod ng Samaria. Dinala siya kay Jehu na siyang pumatay dito. Inilibing nila si Ahazias dahil sabi nila, “Apo siya ni Jehoshafat, ang taong dumulog sa Panginoon nang buong puso.” Wala ni isang naiwan sa mga miyembro ng pamilya ni Ahazias ang may kakayahang maghari.
10Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias, nagpasya siyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng hari ng Juda.