2 Mga Cronica 22

Pagkatapos, hinanap ng mga tauhan ni Jehu si Ahazias, at nakita nila ito na nagtatago sa lungsod ng Samaria. Dinala siya kay Jehu na siyang pumatay dito. Inilibing nila si Ahazias dahil sabi nila, “Apo siya ni Jehoshafat, ang taong dumulog sa Panginoon nang buong puso.” Wala ni isang naiwan sa mga miyembro ng pamilya ni Ahazias ang may kakayahang maghari.

2 Chronicles 22:9 (UKJV) And he sought Ahaziah: and they caught him, (for he was hid in Samaria,) and brought him to Jehu: and when they had slain him, they buried him: Because, said they, he is the son of Jehoshaphat, who sought the LORD with all his heart. So the house of Ahaziah had no power to keep still the kingdom.

7Ang pagdalaw ni Ahazias kay Joram ay ginamit ng Diyos upang lipulin si Ahazias. Nang naroon si Ahazias, tinulungan niya si Joram upang makipaglaban kay Jehu na anak ni Nimsi. Si Jehu ang pinili ng Panginoon upang lipulin ang sambahayan ni Ahab.

8Habang nililipol ni Jehu ang sambahayan ni Ahab, nakita niya ang mga opisyal ng Juda at ang mga anak ng mga kamag-anak ni Ahazias na sumáma kay Ahazias. At pinagpapatay niya sila.

9Pagkatapos, hinanap ng mga tauhan ni Jehu si Ahazias, at nakita nila ito na nagtatago sa lungsod ng Samaria. Dinala siya kay Jehu na siyang pumatay dito. Inilibing nila si Ahazias dahil sabi nila, “Apo siya ni Jehoshafat, ang taong dumulog sa Panginoon nang buong puso.” Wala ni isang naiwan sa mga miyembro ng pamilya ni Ahazias ang may kakayahang maghari.

10Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias, nagpasya siyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng hari ng Juda.

11Ngunit iniligtas ni Jehosheba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosabet ay kapatid ni Ahazias at anak na babae ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada. Itinago niya si Joas at ang kanyang yaya sa isang silid, kaya hindi siya napatay ni Atalia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.