2 Mga Cronica 22

Ngunit iniligtas ni Jehosheba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosabet ay kapatid ni Ahazias at anak na babae ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada. Itinago niya si Joas at ang kanyang yaya sa isang silid, kaya hindi siya napatay ni Atalia.

2 Chronicles 22:11 (UKJV) But Jehoshabeath, the daughter of the king, took Joash the son of Ahaziah, and stole him from among the king's sons that were slain, and put him and his nurse in a bedchamber. So Jehoshabeath, the daughter of king Jehoram, the wife of Jehoiada the priest, (for she was the sister of Ahaziah,) hid him from Athaliah, so that she slew him not.

9Pagkatapos, hinanap ng mga tauhan ni Jehu si Ahazias, at nakita nila ito na nagtatago sa lungsod ng Samaria. Dinala siya kay Jehu na siyang pumatay dito. Inilibing nila si Ahazias dahil sabi nila, “Apo siya ni Jehoshafat, ang taong dumulog sa Panginoon nang buong puso.” Wala ni isang naiwan sa mga miyembro ng pamilya ni Ahazias ang may kakayahang maghari.

10Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias, nagpasya siyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng hari ng Juda.

11Ngunit iniligtas ni Jehosheba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosabet ay kapatid ni Ahazias at anak na babae ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada. Itinago niya si Joas at ang kanyang yaya sa isang silid, kaya hindi siya napatay ni Atalia.

12Sa loob ng anim na taon, nakatago sa Templo ng Panginoon si Joas habang si Atalia ang namamahala sa lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.