15Nabuhay si Joiada nang mahabang panahon, at namatay siya sa edad na 130.
16Inilibing siya sa libingan ng mga hari sa Lungsod ni David, dahil sa mabubuting ginawa niya sa Israel para sa Diyos at sa kanyang Templo.
17Ngunit pagkatapos mamatay ni Joiada, pumunta ang mga opisyal ng Juda kay Haring Joas at hinimok siyang makinig sa kanila.
18Nagpasya sila na pabayaan na lang ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at sumamba sa mga posteng imahen ni Ashera at sa iba pang mga diyos-diyosan. Dahil sa ginawa nila, nagalit ang Diyos sa Juda at sa Jerusalem.
19Kahit nagpadala ang Panginoon ng mga propeta sa mga tao upang pabalikin sila sa kanya, at nagbigay ng babala ngunit hindi pa rin sila nakinig.