2 Mga Cronica 24

Nagpasya sila na pabayaan na lang ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at sumamba sa mga posteng imahen ni Ashera at sa iba pang mga diyos-diyosan. Dahil sa ginawa nila, nagalit ang Diyos sa Juda at sa Jerusalem.

2 Chronicles 24:18 (UKJV) And they left the house of the LORD God of their fathers, and served groves and idols: and wrath came upon Judah and Jerusalem for this their trespass.

16Inilibing siya sa libingan ng mga hari sa Lungsod ni David, dahil sa mabubuting ginawa niya sa Israel para sa Diyos at sa kanyang Templo.

17Ngunit pagkatapos mamatay ni Joiada, pumunta ang mga opisyal ng Juda kay Haring Joas at hinimok siyang makinig sa kanila.

18Nagpasya sila na pabayaan na lang ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at sumamba sa mga posteng imahen ni Ashera at sa iba pang mga diyos-diyosan. Dahil sa ginawa nila, nagalit ang Diyos sa Juda at sa Jerusalem.

19Kahit nagpadala ang Panginoon ng mga propeta sa mga tao upang pabalikin sila sa kanya, at nagbigay ng babala ngunit hindi pa rin sila nakinig.

20Si Zacarias na anak ni Joiada na pari ay pinuspos ng Espiritu ng Diyos. Tumayo siya sa harapan ng mga tao at nagsabi, “Ito ang sinabi ng Diyos: Bakit hindi nʼyo sinusunod ang mga utos ng Panginoon? Hindi kayo uunlad kailanman. Dahil itinakwil nʼyo ang Panginoon, itatakwil din niya kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.