2 Mga Cronica 24

Si Zacarias na anak ni Joiada na pari ay pinuspos ng Espiritu ng Diyos. Tumayo siya sa harapan ng mga tao at nagsabi, “Ito ang sinabi ng Diyos: Bakit hindi nʼyo sinusunod ang mga utos ng Panginoon? Hindi kayo uunlad kailanman. Dahil itinakwil nʼyo ang Panginoon, itatakwil din niya kayo.”

2 Chronicles 24:20 (UKJV) And the Spirit of God came upon Zechariah the son of Jehoiada the priest, which stood above the people, and said unto them, Thus says God, Why transgress all of you the commandments of the LORD, that all of you cannot prosper? because all of you have forsaken the LORD, he has also forsaken you.

18Nagpasya sila na pabayaan na lang ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at sumamba sa mga posteng imahen ni Ashera at sa iba pang mga diyos-diyosan. Dahil sa ginawa nila, nagalit ang Diyos sa Juda at sa Jerusalem.

19Kahit nagpadala ang Panginoon ng mga propeta sa mga tao upang pabalikin sila sa kanya, at nagbigay ng babala ngunit hindi pa rin sila nakinig.

20Si Zacarias na anak ni Joiada na pari ay pinuspos ng Espiritu ng Diyos. Tumayo siya sa harapan ng mga tao at nagsabi, “Ito ang sinabi ng Diyos: Bakit hindi nʼyo sinusunod ang mga utos ng Panginoon? Hindi kayo uunlad kailanman. Dahil itinakwil nʼyo ang Panginoon, itatakwil din niya kayo.”

21Nagplano ang mga opisyal na patayin si Zacarias. At sa utos ng hari, binato nila si Zacarias sa loob ng bakuran ng Templo ng Panginoon, at namatay ito.

22Kinalimutan ni Haring Joas ang kabutihang ipinakita sa kanya ni Joiada, na ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya si Zacarias. Ito ang sinabi ni Zacarias nang naghihingalo na siya, “Sanaʼy makita ng Panginoon ang inyong ginawa, at singilin niya kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.