19Kahit nagpadala ang Panginoon ng mga propeta sa mga tao upang pabalikin sila sa kanya, at nagbigay ng babala ngunit hindi pa rin sila nakinig.
20Si Zacarias na anak ni Joiada na pari ay pinuspos ng Espiritu ng Diyos. Tumayo siya sa harapan ng mga tao at nagsabi, “Ito ang sinabi ng Diyos: Bakit hindi nʼyo sinusunod ang mga utos ng Panginoon? Hindi kayo uunlad kailanman. Dahil itinakwil nʼyo ang Panginoon, itatakwil din niya kayo.”
21Nagplano ang mga opisyal na patayin si Zacarias. At sa utos ng hari, binato nila si Zacarias sa loob ng bakuran ng Templo ng Panginoon, at namatay ito.
22Kinalimutan ni Haring Joas ang kabutihang ipinakita sa kanya ni Joiada, na ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya si Zacarias. Ito ang sinabi ni Zacarias nang naghihingalo na siya, “Sanaʼy makita ng Panginoon ang inyong ginawa, at singilin niya kayo.”
23Nang simula ng bagong taon, nilusob ng mga sundalo ng Aram ang Juda. Natalo nila ang Juda at ang Jerusalem, at pinatay nila ang mga pinuno ng Juda. At dinala nila sa kanilang hari sa Damasco ang lahat ng kanilang nasamsam.