2 Mga Cronica 24

Nang simula ng bagong taon, nilusob ng mga sundalo ng Aram ang Juda. Natalo nila ang Juda at ang Jerusalem, at pinatay nila ang mga pinuno ng Juda. At dinala nila sa kanilang hari sa Damasco ang lahat ng kanilang nasamsam.

2 Chronicles 24:23 (UKJV) And it came to pass at the end of the year, that the host of Syria came up against him: and they came to Judah and Jerusalem, and destroyed all the princes of the people from among the people, and sent all the spoil of them unto the king of Damascus.

21Nagplano ang mga opisyal na patayin si Zacarias. At sa utos ng hari, binato nila si Zacarias sa loob ng bakuran ng Templo ng Panginoon, at namatay ito.

22Kinalimutan ni Haring Joas ang kabutihang ipinakita sa kanya ni Joiada, na ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya si Zacarias. Ito ang sinabi ni Zacarias nang naghihingalo na siya, “Sanaʼy makita ng Panginoon ang inyong ginawa, at singilin niya kayo.”

23Nang simula ng bagong taon, nilusob ng mga sundalo ng Aram ang Juda. Natalo nila ang Juda at ang Jerusalem, at pinatay nila ang mga pinuno ng Juda. At dinala nila sa kanilang hari sa Damasco ang lahat ng kanilang nasamsam.

24Kakaunti lang ang mga sundalo ng Aram na lumusob kung ihahambing sa mga sundalo ng Juda. Ngunit ipinatalo sa kanila ng Panginoon ang Juda, dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Kaya dumating ang parusang ito kay Joas.

25Pag-alis ng mga taga-Aram, naiwang malubhang sugatan si Joas. Ngunit nagplano ang kanyang mga opisyal na patayin siya dahil sa pagpatay niya sa anak ni Joiada na pari. Kaya pinatay nila siya sa kanyang higaan. Inilibing siya sa Lungsod ni David, pero hindi sa libingan ng mga hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.