2 Mga Cronica 24

Pag-alis ng mga taga-Aram, naiwang malubhang sugatan si Joas. Ngunit nagplano ang kanyang mga opisyal na patayin siya dahil sa pagpatay niya sa anak ni Joiada na pari. Kaya pinatay nila siya sa kanyang higaan. Inilibing siya sa Lungsod ni David, pero hindi sa libingan ng mga hari.

2 Chronicles 24:25 (UKJV) And when they were departed from him, (for they left him in great diseases,) his own servants conspired against him for the blood of the sons of Jehoiada the priest, and slew him on his bed, and he died: and they buried him in the city of David, but they buried him not in the sepulchers of the kings.

23Nang simula ng bagong taon, nilusob ng mga sundalo ng Aram ang Juda. Natalo nila ang Juda at ang Jerusalem, at pinatay nila ang mga pinuno ng Juda. At dinala nila sa kanilang hari sa Damasco ang lahat ng kanilang nasamsam.

24Kakaunti lang ang mga sundalo ng Aram na lumusob kung ihahambing sa mga sundalo ng Juda. Ngunit ipinatalo sa kanila ng Panginoon ang Juda, dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Kaya dumating ang parusang ito kay Joas.

25Pag-alis ng mga taga-Aram, naiwang malubhang sugatan si Joas. Ngunit nagplano ang kanyang mga opisyal na patayin siya dahil sa pagpatay niya sa anak ni Joiada na pari. Kaya pinatay nila siya sa kanyang higaan. Inilibing siya sa Lungsod ni David, pero hindi sa libingan ng mga hari.

26Ang mga pumatay sa kanya ay sina Sabad na anak ng isang babaeng Amonita na si Simeat, at si Jehosabad na anak ng isang babaeng Moabita na si Simrit.

27Ang salaysay tungkol sa mga anak ni Joas, sa mga propesiya tungkol sa kanya, at sa pagpapaayos ng Templo ng Diyos ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari. At ang anak niyang si Amazias ang pumalit sa kanya bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.