2 Mga Cronica 24

Ang salaysay tungkol sa mga anak ni Joas, sa mga propesiya tungkol sa kanya, at sa pagpapaayos ng Templo ng Diyos ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari. At ang anak niyang si Amazias ang pumalit sa kanya bilang hari.

2 Chronicles 24:27 (UKJV) Now concerning his sons, and the greatness of the burdens laid upon him, and the repairing of the house of God, behold, they are written in the story of the book of the kings. And Amaziah his son reigned in his position.

25Pag-alis ng mga taga-Aram, naiwang malubhang sugatan si Joas. Ngunit nagplano ang kanyang mga opisyal na patayin siya dahil sa pagpatay niya sa anak ni Joiada na pari. Kaya pinatay nila siya sa kanyang higaan. Inilibing siya sa Lungsod ni David, pero hindi sa libingan ng mga hari.

26Ang mga pumatay sa kanya ay sina Sabad na anak ng isang babaeng Amonita na si Simeat, at si Jehosabad na anak ng isang babaeng Moabita na si Simrit.

27Ang salaysay tungkol sa mga anak ni Joas, sa mga propesiya tungkol sa kanya, at sa pagpapaayos ng Templo ng Diyos ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari. At ang anak niyang si Amazias ang pumalit sa kanya bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.