2 Mga Cronica 24

Kinalimutan ni Haring Joas ang kabutihang ipinakita sa kanya ni Joiada, na ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya si Zacarias. Ito ang sinabi ni Zacarias nang naghihingalo na siya, “Sanaʼy makita ng Panginoon ang inyong ginawa, at singilin niya kayo.”

2 Chronicles 24:22 (UKJV) Thus Joash the king remembered not the kindness which Jehoiada his father had done to him, but slew his son. And when he died, he said, The LORD look upon it, and require it.

20Si Zacarias na anak ni Joiada na pari ay pinuspos ng Espiritu ng Diyos. Tumayo siya sa harapan ng mga tao at nagsabi, “Ito ang sinabi ng Diyos: Bakit hindi nʼyo sinusunod ang mga utos ng Panginoon? Hindi kayo uunlad kailanman. Dahil itinakwil nʼyo ang Panginoon, itatakwil din niya kayo.”

21Nagplano ang mga opisyal na patayin si Zacarias. At sa utos ng hari, binato nila si Zacarias sa loob ng bakuran ng Templo ng Panginoon, at namatay ito.

22Kinalimutan ni Haring Joas ang kabutihang ipinakita sa kanya ni Joiada, na ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya si Zacarias. Ito ang sinabi ni Zacarias nang naghihingalo na siya, “Sanaʼy makita ng Panginoon ang inyong ginawa, at singilin niya kayo.”

23Nang simula ng bagong taon, nilusob ng mga sundalo ng Aram ang Juda. Natalo nila ang Juda at ang Jerusalem, at pinatay nila ang mga pinuno ng Juda. At dinala nila sa kanilang hari sa Damasco ang lahat ng kanilang nasamsam.

24Kakaunti lang ang mga sundalo ng Aram na lumusob kung ihahambing sa mga sundalo ng Juda. Ngunit ipinatalo sa kanila ng Panginoon ang Juda, dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Kaya dumating ang parusang ito kay Joas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.