2 Mga Cronica 25

Ngunit hindi niya ipinapatay ang kanilang mga anak, dahil ayon sa nasusulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises, sinabi ng Panginoon, “Hindi dapat mamatay ang mga magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, at ang mga anak ay hindi rin dapat patayin dahil sa kasalanan ng kanilang mga magulang. Mamamatay lamang ang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.”

2 Chronicles 25:4 (UKJV) But he slew not their children, but did as it is written in the law in the book of Moses, where the LORD commanded, saying, The fathers shall not die for the children, neither shall the children die for the fathers, but every man shall die for his own sin.

2Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, ngunit hindi lubos ang kanyang pagsunod.

3Nang matatag na ang paghahari ni Amazias, ipinapatay niya ang mga opisyal na pumatay sa kanyang amang hari.

4Ngunit hindi niya ipinapatay ang kanilang mga anak, dahil ayon sa nasusulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises, sinabi ng Panginoon, “Hindi dapat mamatay ang mga magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, at ang mga anak ay hindi rin dapat patayin dahil sa kasalanan ng kanilang mga magulang. Mamamatay lamang ang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.”

5Tinipon ni Amazias ang kanyang mga sundalo na mula sa Juda at Benjamin. Binukod-bukod niya sila ayon sa kanilang pamilya at nilagyan ng mga kumander na mamamahala ng tig-isandaan at tig-isang libong sundalo. Pagkatapos, binilang niya ang kanyang mga sundalo na nasa dalawampung taóng gulang pataas, at ang bilang ay tatlondaang libo. Silaʼy mahuhusay sa sibat at pananggalang.

6Kumuha rin siya ng isandaang sundalo mula sa Israel. Nagbayad siya ng 3,500 kilong pilak bilang upa sa mga sundalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.