2 Mga Cronica 25

Ngunit may isang lingkod ng Diyos na pumunta kay Amazias at nagsabi, “Mahal na Hari, huwag po kayong kumuha ng mga sundalong mula sa Israel, dahil ang bayang iyon ay hindi pinapatnubayan ng Panginoon. Ang mga mamamayan ng Efraim ay hindi na tinutulungan ng Panginoon.

2 Chronicles 25:7 (UKJV) But there came a man of God to him, saying, O king, let not the army of Israel go with you; for the LORD is not with Israel, to know, with all the children of Ephraim.

5Tinipon ni Amazias ang kanyang mga sundalo na mula sa Juda at Benjamin. Binukod-bukod niya sila ayon sa kanilang pamilya at nilagyan ng mga kumander na mamamahala ng tig-isandaan at tig-isang libong sundalo. Pagkatapos, binilang niya ang kanyang mga sundalo na nasa dalawampung taóng gulang pataas, at ang bilang ay tatlondaang libo. Silaʼy mahuhusay sa sibat at pananggalang.

6Kumuha rin siya ng isandaang sundalo mula sa Israel. Nagbayad siya ng 3,500 kilong pilak bilang upa sa mga sundalo.

7Ngunit may isang lingkod ng Diyos na pumunta kay Amazias at nagsabi, “Mahal na Hari, huwag po kayong kumuha ng mga sundalong mula sa Israel, dahil ang bayang iyon ay hindi pinapatnubayan ng Panginoon. Ang mga mamamayan ng Efraim ay hindi na tinutulungan ng Panginoon.

8Kung pasasamahin nʼyo po sila sa labanan, matatalo kayo kahit makipaglaban pa kayo nang mabuti. Ang Diyos lang ang may kapangyarihang makapagpapanalo o makapagpapatalo sa inyo.”

9Sinabi ni Amazias sa lingkod ng Diyos, “Ngunit paano ang ibinayad kong 3,500 kilong pilak sa mga sundalong Israelita?” Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Higit pa po diyan ang ibibigay ng Panginoon sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.