2 Mga Cronica 26

Pinatatag pa ni Uzias ang Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga tore sa Sulok na Pintuan, sa Pintuan na Nakaharap sa Lambak, at sa likuan ng pader.

2 Chronicles 26:9 (UKJV) Moreover Uzziah built towers in Jerusalem at the corner gate, and at the valley gate, and at the turning of the wall, and fortified them.

7Tinulungan siya ng Diyos sa kanyang pakikipaglaban sa mga Filisteo, Meunita at sa mga Arabo na nakatira sa Gur-baal.

8Nagbabayad ng buwis ang mga Amonita sa kanya, at naging tanyag siya hanggang sa Ehipto, dahil naging makapangyarihan siya.

9Pinatatag pa ni Uzias ang Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga tore sa Sulok na Pintuan, sa Pintuan na Nakaharap sa Lambak, at sa likuan ng pader.

10Nagpatayo rin siya ng mga tore sa ilang at nagpahukay ng mga balon na imbakan ng mga tubig, dahil marami ang kanyang mga hayop sa mga kaburulan sa kanluran at sa kapatagan. May mga tauhan siya na nag-aalaga sa kanyang bukirin at ubasan sa kabundukan at sa kapatagan, dahil mahilig siyang magtanim.

11May mahuhusay na sundalo si Uzias na laging handa sa labanan. Silaʼy binuo nina Jeiel na kalihim at Maasias na opisyal, sa ilalim ng pamamahala ni Hananias na isa sa mga opisyal ng hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.