2 Mga Cronica 27

Si Jotam ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Ang kanyang ina ay si Jerusa na anak ni Sadoc.

2 Chronicles 27:1 (UKJV) Jotham was twenty and five years old when he began to reign, and he reigned sixteen years in Jerusalem. His mother's name also was Jerushah, the daughter of Zadok.

1Si Jotam ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Ang kanyang ina ay si Jerusa na anak ni Sadoc.

2Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ng Panginoon, gaya ng ama niyang si Uzias. Ngunit hindi niya ginaya ang kasalanang ginawa ng kanyang ama na labag na pagpasok sa Templo ng Panginoon. Ngunit ang mga tao ay patuloy pa rin sa kanilang masasamang gawain.

3Si Jotam ang nagpatayo ng Hilagang Pintuan ng Templo ng Panginoon, at nagpaayos ng pader sa burol ng Ofel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.