2 Mga Cronica 27

Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ng Panginoon, gaya ng ama niyang si Uzias. Ngunit hindi niya ginaya ang kasalanang ginawa ng kanyang ama na labag na pagpasok sa Templo ng Panginoon. Ngunit ang mga tao ay patuloy pa rin sa kanilang masasamang gawain.

2 Chronicles 27:2 (UKJV) And he did that which was right in the sight of the LORD, according to all that his father Uzziah did: nevertheless he entered not into the temple of the LORD. And the people did yet corruptly.

1Si Jotam ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Ang kanyang ina ay si Jerusa na anak ni Sadoc.

2Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ng Panginoon, gaya ng ama niyang si Uzias. Ngunit hindi niya ginaya ang kasalanang ginawa ng kanyang ama na labag na pagpasok sa Templo ng Panginoon. Ngunit ang mga tao ay patuloy pa rin sa kanilang masasamang gawain.

3Si Jotam ang nagpatayo ng Hilagang Pintuan ng Templo ng Panginoon, at nagpaayos ng pader sa burol ng Ofel.

4Siya rin ang nagpatayo ng mga bayan sa kaburulan ng Juda, at nagpatayo ng mga pader at mga tore sa mga kagubatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.