2Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ng Panginoon, gaya ng ama niyang si Uzias. Ngunit hindi niya ginaya ang kasalanang ginawa ng kanyang ama na labag na pagpasok sa Templo ng Panginoon. Ngunit ang mga tao ay patuloy pa rin sa kanilang masasamang gawain.
3Si Jotam ang nagpatayo ng Hilagang Pintuan ng Templo ng Panginoon, at nagpaayos ng pader sa burol ng Ofel.
4Siya rin ang nagpatayo ng mga bayan sa kaburulan ng Juda, at nagpatayo ng mga pader at mga tore sa mga kagubatan.
5Nakipaglaban si Jotam sa mga Amonita at sa kanilang hari, at tinalo niya sila. Sa taon ding iyon, nagbigay sa kanila ang mga Amonita ng 3,500 kilo ng pilak, 30,000 sako ng trigo, at 30,000 sako ng sebada. Ginawa nila ito hanggang sa ikatlong taon.
6Naging mas makapangyarihan pa si Jotam dahil matapat siyang sumunod sa Panginoon na kanyang Diyos.