29Pagkatapos ng paghahandog, lumuhod si Haring Ezequias at ang lahat ng kasama niya, at sumamba sa Panginoon.
30Nag-utos si Haring Ezequias at ang kanyang mga opisyal sa mga Levita upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga awit na ginawa ni Haring David at ni Asaf na propeta. Kaya umawit sila ng mga awit ng pagpupuri na may kagalakan habang nakayuko sila sa pagsamba sa Diyos.
31Pagkatapos, sinabi ni Ezequias, “Ngayong naihandog nʼyo na ang inyong sarili sa Panginoon, magdala kayo ng mga handog, kasama ang mga handog ng pasasalamat sa Templo ng Panginoon.” Kaya nagdala ang mga tao ng mga handog na ito sa Templo ng Panginoon, at ang iba ay kusang-loob na nag-alay ng mga handog na sinusunog.
32Ang bilang ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon na dinala ng mga tao ay pitumpung toro, isang daang lalaking tupa at dalawandaang batang tupa.
33Nagdala rin sila ng iba pang mga handog na animnaraang toro at tatlong libong tupa at kambing.