32Ang bilang ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon na dinala ng mga tao ay pitumpung toro, isang daang lalaking tupa at dalawandaang batang tupa.
33Nagdala rin sila ng iba pang mga handog na animnaraang toro at tatlong libong tupa at kambing.
34Ngunit kakaunti lang ang mga pari na nagkakatay ng mga hayop para sa mga handog na sinusunog. Kaya tumulong sa kanila ang mga kamag-anak nilang Levita hanggang matapos ang gawaing iyon at hanggang sa dumami na ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili. Sapagkat mas matapat pa ang mga Levita sa paglilinis ng kanilang sarili kaysa sa mga pari.
35Napakaraming handog na sinusunog, pati mga taba ng mga hayop na handog pangkapayapaan, at mga handog na inuming inialay kasama ng mga handog na sinusunog. Sa ganitong paraan, muling naibalik ang mga gawain sa Templo ng Panginoon.
36Labis ang kagalakan ni Ezequias at ng mga tao sa tulong na ginawa ng Diyos, dahil mabilis na nagawa ang lahat ng ito.