1Sinimulan na ni Solomon ang pagpapatayo ng Templo ng Panginoon sa Jerusalem doon sa Bundok ng Moria, kung saan nagpakita ang Panginoon sa ama niyang si David. Doon niya ito ipinatayo sa giikan ni Ornan na Jebuseo, ang lugar na inihanda ni David.
2Sinimulan niya itong ipatayo noong ikalawang araw ng ikalawang buwan, sa ikaapat na taon ng paghahari niya.
3Ito ang mga sukat na ginamit ni Solomon para sa pundasyon ng Templo ng Diyos ay may taas na siyamnapung talampakan at lapad na tatlumpung talampakan.
4Ang balkonahe sa harapan ng Templo ay tatlumpung talampakan ang lapad, gaya ng lapad ng Templo, at ang taas ay tatlumpung talampakan din. Pinabalutan ni Solomon ang loob nito ng purong ginto.