16Pagkatapos, pumuwesto sila sa kanilang mga lugar sa Templo ayon sa mga tuntunin sa kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari sa altar ang dugo na dinala sa kanila ng mga Levita.
17Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila, upang silaʼy maging malinis sa harapan ng Panginoon.
18Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Ezequias para sa kanila. Sinabi niya, “O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao
19na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa Templo.”
20Pinakinggan ng Panginoon si Ezequias at pinatawad niya ang mga tao.