2 Mga Cronica 30

na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa Templo.”

2 Chronicles 30:19 (UKJV) That prepares his heart to seek God, the LORD God of his fathers, though he be not cleansed according to the purification of the sanctuary.

17Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila, upang silaʼy maging malinis sa harapan ng Panginoon.

18Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Ezequias para sa kanila. Sinabi niya, “O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao

19na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa Templo.”

20Pinakinggan ng Panginoon si Ezequias at pinatawad niya ang mga tao.

21Sa loob ng pitong araw, ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may malaking kagalakan. Araw-araw, umaawit ang mga Levita at ang mga pari ng mga papuri sa Panginoon, na tinutugtugan nang malalakas na instrumento na ginagamit sa pagpupuri sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.