19Ang mga opisyal ay nagsabi na ang Diyos ng Jerusalem ay gaya ng mga diyos ng ibang bansa na gawa lang ng tao.
20Nanalangin sina Haring Ezequias at si Propeta Isaias na anak ni Amoz sa Diyos sa langit.
21At nagpadala ang Panginoon ng anghel na lumipol sa matatapang na sundalo, mga kumander, at sa mga opisyal sa kampo ng hari ng Asiria. Kaya umuwi si Haring Senaquerib na labis na napahiya. At nang pumasok siya sa templo ng kanyang diyos, pinatay siya ng iba niyang mga anak sa pamamagitan ng espada.
22Kaya iniligtas ng Panginoon si Ezequias at ang mga mamamayan ng Jerusalem sa kamay ni Haring Senaquerib ng Asiria at sa kamay ng iba pang mga kalaban. Binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang paligid.
23Maraming tao ang nagdala ng mga handog sa Jerusalem para sa Panginoon. Nagdala rin sila ng mga mamahaling regalo kay Haring Ezequias. Mula noon, pinarangalan si Ezequias ng lahat ng bansa.