2 Mga Cronica 32

Kaya iniligtas ng Panginoon si Ezequias at ang mga mamamayan ng Jerusalem sa kamay ni Haring Senaquerib ng Asiria at sa kamay ng iba pang mga kalaban. Binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang paligid.

2 Chronicles 32:22 (UKJV) Thus the LORD saved Hezekiah and the inhabitants of Jerusalem from the hand of Sennacherib the king of Assyria, and from the hand of all other, and guided them on every side.

20Nanalangin sina Haring Ezequias at si Propeta Isaias na anak ni Amoz sa Diyos sa langit.

21At nagpadala ang Panginoon ng anghel na lumipol sa matatapang na sundalo, mga kumander, at sa mga opisyal sa kampo ng hari ng Asiria. Kaya umuwi si Haring Senaquerib na labis na napahiya. At nang pumasok siya sa templo ng kanyang diyos, pinatay siya ng iba niyang mga anak sa pamamagitan ng espada.

22Kaya iniligtas ng Panginoon si Ezequias at ang mga mamamayan ng Jerusalem sa kamay ni Haring Senaquerib ng Asiria at sa kamay ng iba pang mga kalaban. Binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang paligid.

23Maraming tao ang nagdala ng mga handog sa Jerusalem para sa Panginoon. Nagdala rin sila ng mga mamahaling regalo kay Haring Ezequias. Mula noon, pinarangalan si Ezequias ng lahat ng bansa.

24Nang panahong iyon, nagkasakit si Ezequias at halos mamatay na. Nanalangin siya sa Panginoon, at binigyan siya ng Panginoon ng isang tanda na gagaling siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.