2 Mga Cronica 32

Nang panahong iyon, nagkasakit si Ezequias at halos mamatay na. Nanalangin siya sa Panginoon, at binigyan siya ng Panginoon ng isang tanda na gagaling siya.

2 Chronicles 32:24 (UKJV) In those days Hezekiah was sick to the death, and prayed unto the LORD: and he spoke unto him, and he gave him a sign.

22Kaya iniligtas ng Panginoon si Ezequias at ang mga mamamayan ng Jerusalem sa kamay ni Haring Senaquerib ng Asiria at sa kamay ng iba pang mga kalaban. Binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang paligid.

23Maraming tao ang nagdala ng mga handog sa Jerusalem para sa Panginoon. Nagdala rin sila ng mga mamahaling regalo kay Haring Ezequias. Mula noon, pinarangalan si Ezequias ng lahat ng bansa.

24Nang panahong iyon, nagkasakit si Ezequias at halos mamatay na. Nanalangin siya sa Panginoon, at binigyan siya ng Panginoon ng isang tanda na gagaling siya.

25Ngunit nagyabang si Ezequias at binalewala niya ang kabutihang ipinakita ng Panginoon sa kanya. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanya at sa mga mamamayan ng Juda at Jerusalem.

26Pagkatapos, nagsisi si Ezequias sa kanyang pagmamalaki, at ganoon din ang mga mamamayan ng Jerusalem. Kaya hindi ipinadama ng Panginoon ang kanyang galit sa kanila habang nabubuhay pa si Ezequias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.