2 Mga Cronica 32

Nagpagawa rin siya ng mga bodega para sa kanyang mga trigo, bagong alak at langis. Bukod pa rito, nagpagawa rin siya ng mga kulungan para sa kanyang mga hayop,

2 Chronicles 32:28 (UKJV) Storehouses also for the increase of corn, and wine, and oil; and stalls for all manner of beasts, and cotes for flocks.

26Pagkatapos, nagsisi si Ezequias sa kanyang pagmamalaki, at ganoon din ang mga mamamayan ng Jerusalem. Kaya hindi ipinadama ng Panginoon ang kanyang galit sa kanila habang nabubuhay pa si Ezequias.

27Si Ezequias ay mayaman at tanyag. Nagpagawa siya ng mga bodega para sa kanyang mga pilak, ginto, mamahaling bato, pampalasa, pananggalang at iba pang mamahaling bagay.

28Nagpagawa rin siya ng mga bodega para sa kanyang mga trigo, bagong alak at langis. Bukod pa rito, nagpagawa rin siya ng mga kulungan para sa kanyang mga hayop,

29dahil napakarami niyang hayop. Nagpatayo rin siya ng mga bayan, dahil binigyan siya ng Diyos ng maraming kayamanan.

30Si Ezequias ang nag-utos na lagyan ng harang ang dinadaanan ng tubig na mula sa bukal ng Gihon at padaluyin ito papunta sa kanluran ng Lungsod ni David. Nagtagumpay si Ezequias sa lahat ng kanyang ginawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.