2 Mga Cronica 32

Si Ezequias ang nag-utos na lagyan ng harang ang dinadaanan ng tubig na mula sa bukal ng Gihon at padaluyin ito papunta sa kanluran ng Lungsod ni David. Nagtagumpay si Ezequias sa lahat ng kanyang ginawa.

2 Chronicles 32:30 (UKJV) This same Hezekiah also stopped the upper watercourse of Gihon, and brought it straight down to the west side of the city of David. And Hezekiah prospered in all his works.

28Nagpagawa rin siya ng mga bodega para sa kanyang mga trigo, bagong alak at langis. Bukod pa rito, nagpagawa rin siya ng mga kulungan para sa kanyang mga hayop,

29dahil napakarami niyang hayop. Nagpatayo rin siya ng mga bayan, dahil binigyan siya ng Diyos ng maraming kayamanan.

30Si Ezequias ang nag-utos na lagyan ng harang ang dinadaanan ng tubig na mula sa bukal ng Gihon at padaluyin ito papunta sa kanluran ng Lungsod ni David. Nagtagumpay si Ezequias sa lahat ng kanyang ginawa.

31Ngunit sinubok siya ng Diyos nang dumating ang mga opisyal mula sa Babilonia na nag-usisa tungkol sa kamangha-manghang nangyari sa Juda. Ginawa ito ng Diyos upang malaman kung ano talaga ang nasa puso ni Ezequias.

32Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Ezequias at ang pag-ibig niya sa Panginoon ay nakasulat sa Pangitain ni Propeta Isaias na Anak ni Amoz, na bahagi ng Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.