2 Mga Cronica 32

kinausap niya ang kanyang mga opisyal at mga pinuno ng kanyang mga sundalo. Nagkaisa silang patigilin ang pagdaloy ng mga bukal sa labas ng lungsod.

2 Chronicles 32:3 (UKJV) He took counsel with his princes and his mighty men to stop the waters of the fountains which were without the city: and they did help him.

1Matapos magampanan nang tapat ni Ezequias ang mga gawaing ito, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang Juda. Sinalakay niya ang mga napapaderang lungsod at inutusan ang mga sundalo niyang pasukin ang mga ito dahil iniisip niyang masasakop niya ito.

2Nang makita ni Ezequias na pati ang Jerusalem ay lulusubin ni Senaquerib,

3kinausap niya ang kanyang mga opisyal at mga pinuno ng kanyang mga sundalo. Nagkaisa silang patigilin ang pagdaloy ng mga bukal sa labas ng lungsod.

4Kaya nagtipon sila ng maraming tao at tinambakan nila ang mga bukal at lambak na dinadaluyan ng tubig sa lupain. Sapagkat sinabi nila, “Pagdating dito ng mga hari ng Asiria, kakapusin sila ng tubig.”

5Pagkatapos, pinatibay pa ni Ezequias ang kanyang mga depensa sa pamamagitan ng pagpapaayos ng mga pader at pagpapatayo ng mga tore. Pinalibutan pa niya ng isa pang pader ang lungsod, at pinatambakan ng lupa ang mababang bahagi ng Lungsod ni David. Nagpagawa rin siya ng maraming armas at mga pananggalang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.