1Si Manases ay labindalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampuʼt limang taon.
2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.
3Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ng mga altar para kay Baal at nagpagawa ng mga posteng imahen ni Ashera. Sumamba siya sa lahat ng bagay sa langit.