2 Mga Cronica 33

Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ng mga altar para kay Baal at nagpagawa ng mga posteng imahen ni Ashera. Sumamba siya sa lahat ng bagay sa langit.

2 Chronicles 33:3 (UKJV) For he built again the high places which Hezekiah his father had broken down, and he reared up altars for Baalim, and made groves, and worshipped all the host of heaven, and served them.

1Si Manases ay labindalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampuʼt limang taon.

2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

3Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ng mga altar para kay Baal at nagpagawa ng mga posteng imahen ni Ashera. Sumamba siya sa lahat ng bagay sa langit.

4Nagpagawa pa siya ng mga altar sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, na ayon sa Panginoon ay ang lugar na kung saan pararangalan siya magpakailanman.

5Inilagay niya ang mga altar sa dalawang bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.