2 Mga Cronica 33

Inilagay niya ang mga altar sa dalawang bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.

2 Chronicles 33:5 (UKJV) And he built altars for all the host of heaven in the two courts of the house of the LORD.

3Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ng mga altar para kay Baal at nagpagawa ng mga posteng imahen ni Ashera. Sumamba siya sa lahat ng bagay sa langit.

4Nagpagawa pa siya ng mga altar sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, na ayon sa Panginoon ay ang lugar na kung saan pararangalan siya magpakailanman.

5Inilagay niya ang mga altar sa dalawang bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.

6Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak, sa Lambak ng Ben-hinom. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay. Napakasama ng ginawa niya at nakapagpagalit ito sa Panginoon.

7Inilagay niya sa Templo ang imahen na kanyang ipinagawa, kung saan sinabi ng Diyos kay David at sa anak niyang si Solomon, “Pararangalan ako magpakailanman sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na aking pinili mula sa lahat ng lugar ng mga lahi ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.