2 Mga Cronica 33

Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak, sa Lambak ng Ben-hinom. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay. Napakasama ng ginawa niya at nakapagpagalit ito sa Panginoon.

2 Chronicles 33:6 (UKJV) And he caused his children to pass through the fire in the valley of the son of Hinnom: also he observed times, and used enchantments, and used witchcraft, and dealt with a familiar spirit, and with wizards: he wrought much evil in the sight of the LORD, to provoke him to anger.

4Nagpagawa pa siya ng mga altar sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, na ayon sa Panginoon ay ang lugar na kung saan pararangalan siya magpakailanman.

5Inilagay niya ang mga altar sa dalawang bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.

6Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak, sa Lambak ng Ben-hinom. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay. Napakasama ng ginawa niya at nakapagpagalit ito sa Panginoon.

7Inilagay niya sa Templo ang imahen na kanyang ipinagawa, kung saan sinabi ng Diyos kay David at sa anak niyang si Solomon, “Pararangalan ako magpakailanman sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na aking pinili mula sa lahat ng lugar ng mga lahi ng Israel.

8Kung tutuparin lang ng mga mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan at tuntunin ko na ibinigay sa kanila ni Moises, hindi ko papayagang paalisin sila rito sa lupaing ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.