2 Mga Cronica 33

Inilagay niya sa Templo ang imahen na kanyang ipinagawa, kung saan sinabi ng Diyos kay David at sa anak niyang si Solomon, “Pararangalan ako magpakailanman sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na aking pinili mula sa lahat ng lugar ng mga lahi ng Israel.

2 Chronicles 33:7 (UKJV) And he set a carved image, the idol which he had made, in the house of God, of which God had said to David and to Solomon his son, In this house, and in Jerusalem, which I have chosen before all the tribes of Israel, will I put my name for ever:

5Inilagay niya ang mga altar sa dalawang bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.

6Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak, sa Lambak ng Ben-hinom. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay. Napakasama ng ginawa niya at nakapagpagalit ito sa Panginoon.

7Inilagay niya sa Templo ang imahen na kanyang ipinagawa, kung saan sinabi ng Diyos kay David at sa anak niyang si Solomon, “Pararangalan ako magpakailanman sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na aking pinili mula sa lahat ng lugar ng mga lahi ng Israel.

8Kung tutuparin lang ng mga mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan at tuntunin ko na ibinigay sa kanila ni Moises, hindi ko papayagang paalisin sila rito sa lupaing ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.”

9Ngunit hinikayat ni Manases ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa paggawa ng masama, at ang ginawa nila ay mas malala pa sa ginawa ng mga bansang ipinalipol ng Panginoon sa harap ng mga Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.