2 Mga Cronica 33

Ngunit hinikayat ni Manases ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa paggawa ng masama, at ang ginawa nila ay mas malala pa sa ginawa ng mga bansang ipinalipol ng Panginoon sa harap ng mga Israelita.

2 Chronicles 33:9 (UKJV) So Manasseh made Judah and the inhabitants of Jerusalem to go astray, and to do worse than the heathen, whom the LORD had destroyed before the children of Israel.

7Inilagay niya sa Templo ang imahen na kanyang ipinagawa, kung saan sinabi ng Diyos kay David at sa anak niyang si Solomon, “Pararangalan ako magpakailanman sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na aking pinili mula sa lahat ng lugar ng mga lahi ng Israel.

8Kung tutuparin lang ng mga mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan at tuntunin ko na ibinigay sa kanila ni Moises, hindi ko papayagang paalisin sila rito sa lupaing ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.”

9Ngunit hinikayat ni Manases ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa paggawa ng masama, at ang ginawa nila ay mas malala pa sa ginawa ng mga bansang ipinalipol ng Panginoon sa harap ng mga Israelita.

10Kahit binalaan ng Panginoon si Manases at ang kanyang mga mamamayan, hindi pa rin sila nakinig sa kanya.

11Kaya ipinalusob sila ng Panginoon sa mga kumander ng mga sundalo ng hari ng Asiria. Binihag nila si Manases, nilagyan ng kawit ang kanyang ilong, kinadenahan, at dinala sa Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.