2 Mga Cronica 33

Kahit binalaan ng Panginoon si Manases at ang kanyang mga mamamayan, hindi pa rin sila nakinig sa kanya.

2 Chronicles 33:10 (UKJV) And the LORD spoke to Manasseh, and to his people: but they would not hearken.

8Kung tutuparin lang ng mga mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan at tuntunin ko na ibinigay sa kanila ni Moises, hindi ko papayagang paalisin sila rito sa lupaing ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.”

9Ngunit hinikayat ni Manases ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa paggawa ng masama, at ang ginawa nila ay mas malala pa sa ginawa ng mga bansang ipinalipol ng Panginoon sa harap ng mga Israelita.

10Kahit binalaan ng Panginoon si Manases at ang kanyang mga mamamayan, hindi pa rin sila nakinig sa kanya.

11Kaya ipinalusob sila ng Panginoon sa mga kumander ng mga sundalo ng hari ng Asiria. Binihag nila si Manases, nilagyan ng kawit ang kanyang ilong, kinadenahan, at dinala sa Babilonia.

12Sa kanyang paghihirap, nagpakumbaba siya at nagmakaawa sa Panginoon na kanyang Diyos, na Diyos din ng kanyang mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.