2 Mga Cronica 33

Kaya ipinalusob sila ng Panginoon sa mga kumander ng mga sundalo ng hari ng Asiria. Binihag nila si Manases, nilagyan ng kawit ang kanyang ilong, kinadenahan, at dinala sa Babilonia.

2 Chronicles 33:11 (UKJV) Wherefore the LORD brought upon them the captains of the host of the king of Assyria, which took Manasseh among the thorns, and bound him with fetters, and carried him to Babylon.

9Ngunit hinikayat ni Manases ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa paggawa ng masama, at ang ginawa nila ay mas malala pa sa ginawa ng mga bansang ipinalipol ng Panginoon sa harap ng mga Israelita.

10Kahit binalaan ng Panginoon si Manases at ang kanyang mga mamamayan, hindi pa rin sila nakinig sa kanya.

11Kaya ipinalusob sila ng Panginoon sa mga kumander ng mga sundalo ng hari ng Asiria. Binihag nila si Manases, nilagyan ng kawit ang kanyang ilong, kinadenahan, at dinala sa Babilonia.

12Sa kanyang paghihirap, nagpakumbaba siya at nagmakaawa sa Panginoon na kanyang Diyos, na Diyos din ng kanyang mga ninuno.

13At nang nanalangin siya, pinakinggan siya ng Panginoon. Naawa ang Panginoon sa kanyang mga pagmamakaawa. Kaya pinabalik siya ng Panginoon sa Jerusalem at sa kaharian niya. At napagtanto ni Manases na ang Panginoon ang Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.