12Sa kanyang paghihirap, nagpakumbaba siya at nagmakaawa sa Panginoon na kanyang Diyos, na Diyos din ng kanyang mga ninuno.
13At nang nanalangin siya, pinakinggan siya ng Panginoon. Naawa ang Panginoon sa kanyang mga pagmamakaawa. Kaya pinabalik siya ng Panginoon sa Jerusalem at sa kaharian niya. At napagtanto ni Manases na ang Panginoon ang Diyos.
14Simula noon, ipinaayos ni Manases ang panlabas na pader ng Lungsod ni David mula sa kanluran ng Gihon, sa may lambak hanggang sa pintuang tinatawag na Isda, paliko sa burol ng Ofel. Pinataasan din niya ito. Pagkatapos, naglagay siya ng mga pinuno sa lahat ng napapaderang lungsod ng Juda.
15Ipinaalis niya ang mga diyos-diyosan ng taga-ibang bansa at ang imahen sa Templo ng Panginoon. Ipinaalis din niya ang mga altar na ipinatayo niya sa burol na kinatatayuan ng Templo at ang mga altar sa ibang bahagi ng Jerusalem, at ipinatapon niya ito sa labas ng lungsod.
16Pagkatapos, ipinaayos niya ang altar ng Panginoon, at pinag-alayan ng mga handog pangkapayapaan at mga handog ng pasasalamat. Sinabihan niya ang mga mamamayan ng Juda na maglingkod sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.