2 Mga Cronica 33

Pagkatapos, ipinaayos niya ang altar ng Panginoon, at pinag-alayan ng mga handog pangkapayapaan at mga handog ng pasasalamat. Sinabihan niya ang mga mamamayan ng Juda na maglingkod sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

2 Chronicles 33:16 (UKJV) And he repaired the altar of the LORD, and sacrificed thereon peace offerings and thank offerings, and commanded Judah to serve the LORD God of Israel.

14Simula noon, ipinaayos ni Manases ang panlabas na pader ng Lungsod ni David mula sa kanluran ng Gihon, sa may lambak hanggang sa pintuang tinatawag na Isda, paliko sa burol ng Ofel. Pinataasan din niya ito. Pagkatapos, naglagay siya ng mga pinuno sa lahat ng napapaderang lungsod ng Juda.

15Ipinaalis niya ang mga diyos-diyosan ng taga-ibang bansa at ang imahen sa Templo ng Panginoon. Ipinaalis din niya ang mga altar na ipinatayo niya sa burol na kinatatayuan ng Templo at ang mga altar sa ibang bahagi ng Jerusalem, at ipinatapon niya ito sa labas ng lungsod.

16Pagkatapos, ipinaayos niya ang altar ng Panginoon, at pinag-alayan ng mga handog pangkapayapaan at mga handog ng pasasalamat. Sinabihan niya ang mga mamamayan ng Juda na maglingkod sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

17Ganoon pa man, naghahandog pa rin ang mga tao sa mga sambahan sa matataas na lugar, pero ang Panginoon lang na kanilang Diyos ang hinahandugan nila.

18Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Manases, pati ang pananalangin niya sa Diyos at ang mga sinabi ng mga propeta sa kanya sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.