2 Mga Cronica 33

Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Manases, pati ang pananalangin niya sa Diyos at ang mga sinabi ng mga propeta sa kanya sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

2 Chronicles 33:18 (UKJV) Now the rest of the acts of Manasseh, and his prayer unto his God, and the words of the seers that spoke to him in the name of the LORD God of Israel, behold, they are written in the book of the kings of Israel.

16Pagkatapos, ipinaayos niya ang altar ng Panginoon, at pinag-alayan ng mga handog pangkapayapaan at mga handog ng pasasalamat. Sinabihan niya ang mga mamamayan ng Juda na maglingkod sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

17Ganoon pa man, naghahandog pa rin ang mga tao sa mga sambahan sa matataas na lugar, pero ang Panginoon lang na kanilang Diyos ang hinahandugan nila.

18Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Manases, pati ang pananalangin niya sa Diyos at ang mga sinabi ng mga propeta sa kanya sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

19Ang panalangin niya at ang sagot ng Panginoon sa kanya, pati ang lahat niyang kasalanan at pagsuway sa Panginoon ay nakasulat sa aklat ng mga Propeta. Nakatala rin dito ang mga lugar na pinatayuan niya ng mga sambahan, mga posteng imahen ni Ashera at ng iba pang mga diyos-diyosan, bago pa siya nagpakumbaba sa Panginoon.

20Nang mamatay si Manases, inilibing siya sa palasyo niya. At ang anak niyang si Amon ang pumalit sa kanya bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.