2 Mga Cronica 33

Ang panalangin niya at ang sagot ng Panginoon sa kanya, pati ang lahat niyang kasalanan at pagsuway sa Panginoon ay nakasulat sa aklat ng mga Propeta. Nakatala rin dito ang mga lugar na pinatayuan niya ng mga sambahan, mga posteng imahen ni Ashera at ng iba pang mga diyos-diyosan, bago pa siya nagpakumbaba sa Panginoon.

2 Chronicles 33:19 (UKJV) His prayer also, and how God was implored of him, and all his sins, and his trespass, and the places wherein he built high places, and set up groves and graven images, before he was humbled: behold, they are written among the sayings of the seers.

17Ganoon pa man, naghahandog pa rin ang mga tao sa mga sambahan sa matataas na lugar, pero ang Panginoon lang na kanilang Diyos ang hinahandugan nila.

18Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Manases, pati ang pananalangin niya sa Diyos at ang mga sinabi ng mga propeta sa kanya sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

19Ang panalangin niya at ang sagot ng Panginoon sa kanya, pati ang lahat niyang kasalanan at pagsuway sa Panginoon ay nakasulat sa aklat ng mga Propeta. Nakatala rin dito ang mga lugar na pinatayuan niya ng mga sambahan, mga posteng imahen ni Ashera at ng iba pang mga diyos-diyosan, bago pa siya nagpakumbaba sa Panginoon.

20Nang mamatay si Manases, inilibing siya sa palasyo niya. At ang anak niyang si Amon ang pumalit sa kanya bilang hari.

21Si Amon ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawang taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.