2 Mga Cronica 33

Si Amon ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawang taon.

2 Chronicles 33:21 (UKJV) Amon was two and twenty years old when he began to reign, and reigned two years in Jerusalem.

19Ang panalangin niya at ang sagot ng Panginoon sa kanya, pati ang lahat niyang kasalanan at pagsuway sa Panginoon ay nakasulat sa aklat ng mga Propeta. Nakatala rin dito ang mga lugar na pinatayuan niya ng mga sambahan, mga posteng imahen ni Ashera at ng iba pang mga diyos-diyosan, bago pa siya nagpakumbaba sa Panginoon.

20Nang mamatay si Manases, inilibing siya sa palasyo niya. At ang anak niyang si Amon ang pumalit sa kanya bilang hari.

21Si Amon ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawang taon.

22Masama ang ginawa ni Amon sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kanyang ama. Sinamba at hinandugan niya ang mga diyos-diyosan na ipinagawa ni Manases.

23Ngunit hindi tulad ng kanyang ama, hindi siya nagpakumbaba sa Panginoon. Sa halip, dinagdagan pa niya ang kanyang kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.