20Nang mamatay si Manases, inilibing siya sa palasyo niya. At ang anak niyang si Amon ang pumalit sa kanya bilang hari.
21Si Amon ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawang taon.
22Masama ang ginawa ni Amon sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kanyang ama. Sinamba at hinandugan niya ang mga diyos-diyosan na ipinagawa ni Manases.
23Ngunit hindi tulad ng kanyang ama, hindi siya nagpakumbaba sa Panginoon. Sa halip, dinagdagan pa niya ang kanyang kasalanan.
24Nagplano ng masama ang mga opisyal ni Amon laban sa kanya at pinatay siya sa palasyo niya.