22Masama ang ginawa ni Amon sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kanyang ama. Sinamba at hinandugan niya ang mga diyos-diyosan na ipinagawa ni Manases.
23Ngunit hindi tulad ng kanyang ama, hindi siya nagpakumbaba sa Panginoon. Sa halip, dinagdagan pa niya ang kanyang kasalanan.
24Nagplano ng masama ang mga opisyal ni Amon laban sa kanya at pinatay siya sa palasyo niya.
25Ngunit pinatay ng mga mamamayan ng Juda ang lahat ng pumatay kay Haring Amon. At ang anak niyang si Josias ang ipinalit nila bilang hari.