6Ganito rin ang ginawa niya sa mga bayan ng Manases, Efraim, Simeon, at hanggang sa Neftali, pati sa gibang mga bayan sa paligid nito.
7Ipinagiba niya ang mga altar at ang mga posteng imahen ni Ashera, at ipinadurog ang mga diyos-diyosan at ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Pagkatapos niyang gawin ito sa buong Israel, umuwi siya sa Jerusalem.
8Sa ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias, matapos niyang ipalinis ang lupain at ang Templo, nagpasya siyang ipaayos ang Templo ng Panginoon na kanyang Diyos. Ipinagkatiwala niyang ipagawa ito sa kanyang kalihim na si Safan, na anak ni Azalias, sa gobernador ng Juda na si Maasias, at sa tagapamahala ng mga kasulatan ng kaharian na si Joa, na anak ni Joahaz.
9Pumunta sila kay Hilkias na punong pari upang ibigay ang pera na dinala ng mga tao sa Templo ng Diyos. Ang pera ay kinolekta ng mga Levita na tagapagbantay ng Templo mula sa mga mamamayan ng Manases, Efraim, at sa natitirang mga mamamayan ng Israel, at sa mga mamamayan ng Juda at Benjamin, pati na sa Jerusalem.
10Pagkatapos, ibinigay ang pera sa mga tao na pinagkatiwalaang mamahala sa pag-aayos ng Templo ng Panginoon, at ginamit nila ito sa pag-upa ng mga manggagawa.