2 Mga Cronica 34

Pumunta sila kay Hilkias na punong pari upang ibigay ang pera na dinala ng mga tao sa Templo ng Diyos. Ang pera ay kinolekta ng mga Levita na tagapagbantay ng Templo mula sa mga mamamayan ng Manases, Efraim, at sa natitirang mga mamamayan ng Israel, at sa mga mamamayan ng Juda at Benjamin, pati na sa Jerusalem.

2 Chronicles 34:9 (UKJV) And when they came to Hilkiah the high priest, they delivered the money that was brought into the house of God, which the Levites that kept the doors had gathered of the hand of Manasseh and Ephraim, and of all the remnant of Israel, and of all Judah and Benjamin; and they returned to Jerusalem.

7Ipinagiba niya ang mga altar at ang mga posteng imahen ni Ashera, at ipinadurog ang mga diyos-diyosan at ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Pagkatapos niyang gawin ito sa buong Israel, umuwi siya sa Jerusalem.

8Sa ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias, matapos niyang ipalinis ang lupain at ang Templo, nagpasya siyang ipaayos ang Templo ng Panginoon na kanyang Diyos. Ipinagkatiwala niyang ipagawa ito sa kanyang kalihim na si Safan, na anak ni Azalias, sa gobernador ng Juda na si Maasias, at sa tagapamahala ng mga kasulatan ng kaharian na si Joa, na anak ni Joahaz.

9Pumunta sila kay Hilkias na punong pari upang ibigay ang pera na dinala ng mga tao sa Templo ng Diyos. Ang pera ay kinolekta ng mga Levita na tagapagbantay ng Templo mula sa mga mamamayan ng Manases, Efraim, at sa natitirang mga mamamayan ng Israel, at sa mga mamamayan ng Juda at Benjamin, pati na sa Jerusalem.

10Pagkatapos, ibinigay ang pera sa mga tao na pinagkatiwalaang mamahala sa pag-aayos ng Templo ng Panginoon, at ginamit nila ito sa pag-upa ng mga manggagawa.

11Ang ibang pera ay ibinigay nila sa mga manggagawa upang ibili ng mga batong tabas na at ng mga kahoy para sa biga ng Templo na pinabayaang magiba ng mga hari ng Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.