2 Mga Cronica 34

Ang ibang pera ay ibinigay nila sa mga manggagawa upang ibili ng mga batong tabas na at ng mga kahoy para sa biga ng Templo na pinabayaang magiba ng mga hari ng Juda.

2 Chronicles 34:11 (UKJV) Even to the artificers and builders gave they it, to buy hewn stone, and timber for couplings, and to floor the houses which the kings of Judah had destroyed.

9Pumunta sila kay Hilkias na punong pari upang ibigay ang pera na dinala ng mga tao sa Templo ng Diyos. Ang pera ay kinolekta ng mga Levita na tagapagbantay ng Templo mula sa mga mamamayan ng Manases, Efraim, at sa natitirang mga mamamayan ng Israel, at sa mga mamamayan ng Juda at Benjamin, pati na sa Jerusalem.

10Pagkatapos, ibinigay ang pera sa mga tao na pinagkatiwalaang mamahala sa pag-aayos ng Templo ng Panginoon, at ginamit nila ito sa pag-upa ng mga manggagawa.

11Ang ibang pera ay ibinigay nila sa mga manggagawa upang ibili ng mga batong tabas na at ng mga kahoy para sa biga ng Templo na pinabayaang magiba ng mga hari ng Juda.

12Naging matapat ang mga manggagawa sa kanilang trabaho. Pinamahalaan sila ng mga Levitang sina Jahat at Obadias, na mula sa angkan ni Merari, at Zacarias at Mesulam, na mula sa angkan ni Kohat. Ang mga Levitang mahuhusay magsitugtog ng mga instrumento

13ang namahala sa mga tagabuhat at manggagawang may ibaʼt ibang trabaho. Ang iba sa kanilaʼy mga kalihim, mga dalubhasa sa pagsulat ng mga dokumento, at mga tagapagbantay ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.