2 Mga Cronica 34

ang namahala sa mga tagabuhat at manggagawang may ibaʼt ibang trabaho. Ang iba sa kanilaʼy mga kalihim, mga dalubhasa sa pagsulat ng mga dokumento, at mga tagapagbantay ng Templo.

2 Chronicles 34:13 (UKJV) Also they were over the bearers of burdens, and were overseers of all that wrought the work in any manner of service: and of the Levites there were scribes, and officers, and porters.

11Ang ibang pera ay ibinigay nila sa mga manggagawa upang ibili ng mga batong tabas na at ng mga kahoy para sa biga ng Templo na pinabayaang magiba ng mga hari ng Juda.

12Naging matapat ang mga manggagawa sa kanilang trabaho. Pinamahalaan sila ng mga Levitang sina Jahat at Obadias, na mula sa angkan ni Merari, at Zacarias at Mesulam, na mula sa angkan ni Kohat. Ang mga Levitang mahuhusay magsitugtog ng mga instrumento

13ang namahala sa mga tagabuhat at manggagawang may ibaʼt ibang trabaho. Ang iba sa kanilaʼy mga kalihim, mga dalubhasa sa pagsulat ng mga dokumento, at mga tagapagbantay ng Templo.

14Habang kinukuha ang pera na kinolekta sa Templo ng Panginoon, nakita ni Hilkias na pari ang Aklat ng Kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.

15Ibinalita niya kay Safan, na kalihim ng hari, na nakita niya ang Aklat ng Kautusan sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ibinigay niya ito kay Safan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.