2 Mga Cronica 34

Naging matapat ang mga manggagawa sa kanilang trabaho. Pinamahalaan sila ng mga Levitang sina Jahat at Obadias, na mula sa angkan ni Merari, at Zacarias at Mesulam, na mula sa angkan ni Kohat. Ang mga Levitang mahuhusay magsitugtog ng mga instrumento

2 Chronicles 34:12 (UKJV) And the men did the work faithfully: and the overseers of them were Jahath and Obadiah, the Levites, of the sons of Merari; and Zechariah and Meshullam, of the sons of the Kohathites, to set it forward; and other of the Levites, all that could skill of instruments of music.

10Pagkatapos, ibinigay ang pera sa mga tao na pinagkatiwalaang mamahala sa pag-aayos ng Templo ng Panginoon, at ginamit nila ito sa pag-upa ng mga manggagawa.

11Ang ibang pera ay ibinigay nila sa mga manggagawa upang ibili ng mga batong tabas na at ng mga kahoy para sa biga ng Templo na pinabayaang magiba ng mga hari ng Juda.

12Naging matapat ang mga manggagawa sa kanilang trabaho. Pinamahalaan sila ng mga Levitang sina Jahat at Obadias, na mula sa angkan ni Merari, at Zacarias at Mesulam, na mula sa angkan ni Kohat. Ang mga Levitang mahuhusay magsitugtog ng mga instrumento

13ang namahala sa mga tagabuhat at manggagawang may ibaʼt ibang trabaho. Ang iba sa kanilaʼy mga kalihim, mga dalubhasa sa pagsulat ng mga dokumento, at mga tagapagbantay ng Templo.

14Habang kinukuha ang pera na kinolekta sa Templo ng Panginoon, nakita ni Hilkias na pari ang Aklat ng Kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.