2 Mga Cronica 34

Ibinalita niya kay Safan, na kalihim ng hari, na nakita niya ang Aklat ng Kautusan sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ibinigay niya ito kay Safan.

2 Chronicles 34:15 (UKJV) And Hilkiah answered and said to Shaphan the scribe, I have found the book of the law in the house of the LORD. And Hilkiah delivered the book to Shaphan.

13ang namahala sa mga tagabuhat at manggagawang may ibaʼt ibang trabaho. Ang iba sa kanilaʼy mga kalihim, mga dalubhasa sa pagsulat ng mga dokumento, at mga tagapagbantay ng Templo.

14Habang kinukuha ang pera na kinolekta sa Templo ng Panginoon, nakita ni Hilkias na pari ang Aklat ng Kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.

15Ibinalita niya kay Safan, na kalihim ng hari, na nakita niya ang Aklat ng Kautusan sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ibinigay niya ito kay Safan.

16Dinala naman ito ni Safan sa hari at sinabi agad sa kanya, “Ginawa na po namin ang lahat ng ipinagawa nʼyo sa amin.

17Kinuha po namin ang pera sa Templo ng Panginoon at ibinigay sa mga tagapamahala at manggagawa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.