14Habang kinukuha ang pera na kinolekta sa Templo ng Panginoon, nakita ni Hilkias na pari ang Aklat ng Kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.
15Ibinalita niya kay Safan, na kalihim ng hari, na nakita niya ang Aklat ng Kautusan sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ibinigay niya ito kay Safan.
16Dinala naman ito ni Safan sa hari at sinabi agad sa kanya, “Ginawa na po namin ang lahat ng ipinagawa nʼyo sa amin.
17Kinuha po namin ang pera sa Templo ng Panginoon at ibinigay sa mga tagapamahala at manggagawa.”
18Sinabi pa niya sa hari, “May ibinigay po sa aking aklat si Hilkias na pari.” At binasa niya ito sa harapan ng hari.